Ang aking mga karanasan bilang isang estudyante
Ang pagiging isang estudyante ay hindi ibig sabihin pasok lang sa eskwelahan tas pag uwi kakain nalang at pag tapos ay matutulog na. Hindi ganon ang pagiging isang estudyante. Makikinig ka sa iyong guro, gagawa ka ng iyong takdang aralin, proyekto, etc. At sa pagiging estudyante ko ay marami akong naging karanasan na hindi maganda naranasan ko ng bumagsak na isang subject at halos ako ay mag summer class na. Ako'y naaburido ng sobra dahil ayoko ng mabigo ang aking mga magulang saakin. Naranasan ko na ring mapag tripan ng mga estudyanteng luko-loko. Na ako'y napag tripan at inabangan sa labas ng klase. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil ako ay bago pa lamang nun at wala pa akong kilalang makaka pitan na mga barkada. Naranasan ko na ring mapag initan ng isa sa aking mga guro, na halos ibigay ko lahat ng kaya ko pero talagang nilalaglag niya ako sa subject niya. Naranasan ko na ring ma suspinde sa aking eskwelahan ng dahil nanlaban ako sa mga taong nang aapi saakin. Yung lang naman ang aking mga karanasan, ngunit alam kong mas marami pa akong mga pagsubok na haharapin at alam kong kakayanin ko yun dahil ako'y nasanay na. At nag handa ako buong buhay para sa mga parating na pag subok. Marami akong plano ngunit wala akong balak mag patalo. :)
Yung last line talaga yun e
TumugonBurahinThe best po.
TumugonBurahinGanda
TumugonBurahin