Tulad ng maraming mga Filipino isa rin akong mahilig sa laro ng basketball. Ngayon ko talaga napatunayan na gusto ko ang larong ito dahil makalipas ang halos mahigit limang taon na hindi aktibo sa paglalaro ay nasa puso ko parin ang pagmamahal para laruin ang larong ito. Bilang isang manunulat patungkol sa buhay-buhay ng tao ay madalas kaming nangangailangan ng isang modelo na magagamit naming halimbawa para makatulong sa mabilis na pagka-unawa ng mga mambabasa sa aming nais sabihin sa kanila. Madalas ko noon nababasa na ginagamit na halimbawa yung gulong ng sasakyan tungkol sa buhay, na kung saan minsan ay nasa ilalim at minsan nasa
itaas at yung iba ay para raw hindi umaandar. Meron din gumagamit na ang buhay ay weather weather lang parang nagbabalita lang at meron din na ginagamit yung kumot na kung saan dapat daw marunong tayong bumaluktot. Pero napansin ko lang na kung gagamitin kung modelo o halimbawa ang basketball tungkol sa buhay ng tao ay parang marami akong pwedeng gawing metaphor o ihalimbaw. Kaya napagdesisyunan ko na gumawa ng isa pang lupon ng mga artikulo na kung saan tumatalakay sa pag-uugnay ng buhay at ng larong ito (ang basketball)
Malakas ang pakiramdam ko na mas maramin mga kaisipan at pangyayari sa buhay na lalo
nating maliliwanagan o maiintindihan kung gagawin nating halimbawa ang larong ito. Sabi nga nila
“Dont take life seriously because you’ll not get away alive” parang ganoon ang pagkakatanda ko
na kung saan ay totoo, kaya nga kung minsan sabi nila "life is like a game and in order to win the
game you must learn how to enjoy it."
nating maliliwanagan o maiintindihan kung gagawin nating halimbawa ang larong ito. Sabi nga nila
“Dont take life seriously because you’ll not get away alive” parang ganoon ang pagkakatanda ko
na kung saan ay totoo, kaya nga kung minsan sabi nila "life is like a game and in order to win the
game you must learn how to enjoy it."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento