Mga positibong epekto ng Dota sa isang mag-aaral:
Imbis na malulong tayo sa droga, ito na lang ang kinababaliwan natin.
- Tayo ay nakakapagbonding kasama ang ating mga kaibigan sa pamamagitan ng paglalaro ng sabay sabay ng Dota.
- Mas nagiging pamilyar sa atin ang teknolohiya ng mga kompyuter.
- Nakikita natin ang kasamaan ng pag-aaway sa mundo kaya pagkatapos ng Dota, hindi na tayo gagawa ng gulo sa labas, sa tunay na mundo.
- Nagkakaroon tayo ng magandang koordinasyon sa pagitan ng ating mga kamay at mata.
Mga Negatibong Epekto ng Dota sa isang mag-aaral:
- Nakakalimutan na ang mga tao sa buhay nila kagaya na lang ng pamilya, girlfriend, kaibigan at ang Diyos.
- Nanlalabo ang mga mata dahil sa matagal na pagtitig sa kompyuter.
- Nabubuo ang mga pustahan sa mga tourneyo.
- Nauubos ang pera dahil sa Dota.
- Hindi na nakakapag-aral dahil nauubos ang oras sa pagdodota.
Oo ang paglalaro ng Dota ay nakakatuwa, ngunit wag lang masosobrahan dahil makakasam rin ito. Kung maglalaro ng Dota siguraduhin lang na tama ang oras na binibigay dito, at huwag kalimutan ang ibang responsibilidad. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento