Lunes, Enero 23, 2017

Basketball ang buhay ko

Tulad ng maraming mga Filipino isa rin akong mahilig sa laro ng basketball. Ngayon ko talaga napatunayan na gusto ko ang larong ito dahil makalipas ang halos mahigit limang taon na hindi aktibo sa paglalaro ay nasa puso ko parin ang pagmamahal para laruin ang larong ito. Bilang isang manunulat patungkol sa buhay-buhay ng tao ay madalas kaming nangangailangan ng isang modelo na magagamit naming halimbawa para makatulong sa mabilis na pagka-unawa ng mga mambabasa sa aming nais sabihin sa kanila. Madalas ko noon nababasa na ginagamit na halimbawa yung gulong ng sasakyan tungkol sa buhay, na kung saan minsan ay nasa ilalim at minsan nasa
itaas at yung iba ay para raw hindi umaandar. Meron din gumagamit na ang buhay ay weather weather lang parang nagbabalita lang at meron din na ginagamit yung kumot na kung saan dapat daw marunong tayong bumaluktot. Pero napansin ko lang na kung gagamitin kung modelo o halimbawa ang basketball tungkol sa buhay ng tao ay parang marami akong pwedeng gawing metaphor o ihalimbaw. Kaya napagdesisyunan ko na gumawa ng isa pang lupon ng mga artikulo na kung saan tumatalakay sa pag-uugnay ng buhay at ng larong ito (ang basketball)
Malakas ang pakiramdam ko na mas maramin mga kaisipan at pangyayari sa buhay na lalo
nating maliliwanagan o maiintindihan kung gagawin nating halimbawa ang larong ito. Sabi nga nila
“Dont take life seriously because you’ll not get away alive” parang ganoon ang pagkakatanda ko
na kung saan ay totoo, kaya nga kung minsan sabi nila "life is like a game and in order to win the
game you must learn how to enjoy it."

DOTA

Ang DOTA ay isang laro na kung saan na ang mga kabataan kagaya ko at ibang nakakatanda ay nahuhumaling nalruin. Ano nga ba ang napapala namin sa pag lalaro namin ng DOTA? Hindi ko nga rin alam eh. Ang alam ko lang kada nag lalaro ako ay sumasaya ako, nalilimutan ko ang aking problema at nalilibang ko ang sarili ko. Paano ba ito laruin? Simple lang, protektahan mo kung ano ang sayo at wag mong hayaan na agawin o sirain ng iba. Parang pag ibig lang, kung ano ang dapat sayo ay pahalagahan mo at wag mo pabayaan na masira ito. Yung nga lang sa Dota ay hindi tao ang prinoprotektahan mo kundi ang inyong mga "base" at "towers". May mga magandang idinudulot at masamang epekto ang DOTA sa isang mag aaral na aking nai-research.

Mga positibong epekto ng Dota sa isang mag-aaral:

Imbis na malulong tayo sa droga, ito na lang ang kinababaliwan natin.
  1. Tayo ay nakakapagbonding kasama ang ating mga kaibigan sa pamamagitan ng paglalaro ng sabay sabay ng Dota.
  2. Mas nagiging pamilyar sa atin ang teknolohiya ng mga kompyuter.
  3. Nakikita natin ang kasamaan ng pag-aaway sa mundo kaya pagkatapos ng Dota, hindi na tayo gagawa ng gulo sa labas, sa tunay na mundo.
  4. Nagkakaroon tayo ng magandang koordinasyon sa pagitan ng ating mga kamay at mata.

Mga Negatibong Epekto ng Dota sa isang mag-aaral:
  1. Nakakalimutan na ang mga tao sa buhay nila kagaya na lang ng pamilya, girlfriend, kaibigan at ang Diyos.
  2. Nanlalabo ang mga mata dahil sa matagal na pagtitig sa kompyuter.
  3. Nabubuo ang mga pustahan sa mga tourneyo.
  4. Nauubos ang pera dahil sa Dota.
  5. Hindi na nakakapag-aral dahil nauubos ang oras sa pagdodota.
Oo ang paglalaro ng Dota ay nakakatuwa, ngunit wag lang masosobrahan dahil makakasam rin ito. Kung maglalaro ng Dota siguraduhin lang na tama ang oras na binibigay dito, at huwag kalimutan ang ibang responsibilidad. :)

Martes, Enero 17, 2017

Aking mga Karanasan bilang isang estudyante

Ang aking mga karanasan bilang isang estudyante

Ang pagiging isang estudyante ay hindi ibig sabihin pasok lang sa eskwelahan tas pag uwi kakain nalang at pag tapos ay matutulog na. Hindi ganon ang pagiging isang estudyante. Makikinig ka sa iyong guro, gagawa ka ng iyong takdang aralin, proyekto, etc. At sa pagiging estudyante ko ay marami akong naging karanasan na hindi maganda naranasan ko ng bumagsak na isang subject at halos ako ay mag summer class na. Ako'y naaburido ng sobra dahil ayoko ng mabigo ang aking mga magulang saakin. Naranasan ko na ring mapag tripan ng mga estudyanteng luko-loko. Na ako'y napag tripan at  inabangan sa labas ng klase. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil ako ay bago pa lamang nun at wala pa akong kilalang makaka pitan na mga barkada. Naranasan ko na ring mapag initan ng isa sa aking mga guro, na halos ibigay ko lahat ng kaya ko pero talagang nilalaglag niya ako sa subject niya. Naranasan ko na ring ma suspinde sa aking eskwelahan ng dahil nanlaban ako sa mga taong nang aapi saakin. Yung lang naman ang aking mga karanasan, ngunit alam kong mas marami pa akong mga pagsubok na haharapin at alam kong kakayanin ko yun dahil ako'y nasanay na. At nag handa ako buong buhay para sa mga parating na pag subok. Marami akong plano ngunit wala akong balak mag patalo. :)